Biyernes, Nobyembre 27, 2015

Ang Dagli/Pamagat "sunset"


                                      **********SUNSET **********
Papalubog na ang araw. Nagpapaalam sa langit at binabati ng halik ang dagat. Nasa papalubog na araw ang  tingin mo.
Kapag tinitigan ko kaya nang maiigi ang araw, mababasa ko dun ang mga nasa isip mo? Malalaman ko kaya kung ano ang nilalaman ng puso mo?
Hindi ko alam. Ang alam ko lang kapag may sinasabi ka sa’king ayaw mong malaman ng iba, pumupunta tayo sa tabing dagat. Bakit kaya? Baka siguro kayang tangayin ng hangin ang mga sikreto, dalhin ng alon, at lunurin ang mga ito sa dagat.  Baka nga ganun.
“Sakali bang magmahal ako uli, matatanggap mo?” tanong mo sa’kin pero sa araw ka rin nakakatitig.
“Mahal mo na ba siya?” ang tanging tugon ko.
“Alam mo na ang sagot diyan.”
“Kung ako ang tatanugin mo, matatanggap ko naman.”
“Salamat.”
“Pero hindi ibig sabihin na tanggap ko ay tama na… O siya, gumagabi na mama. Mauna na ako, baka mag-alala pa sa’kin si papa.“
Wala na ang araw.Nagpaalam matapos halikan ang dagat.. at kinabukasan ay ababating muli.


LIONGO - AFRICAN MYTHOLOGY


Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P.Urgelles




ISINILANG SI LIONGO SA ISA SA PITONG BAYANG NASA BAYBAYIN-DAGAT SA KENYA.SIYA ANG NAGMAMAY-ARI  NG KARANGALAN BILANG PINAKAMAHUSAY NA MAKATA SA KANILANG LUGAR.MALAKAS AT MATAAS DIN SIYA TULAD NG ISANG HIGANTE,NA HINDI NASUSUGATAN NG ANO MANG MGA ARMAS.NGUNIT KUNG SIYA'Y TATAMAAN NG KARAYOM SA KANIYANG PUSOD AY MAMAMATAY SIYA.TANGING SI LIONGO AT ANG KANIYANG INANG SI MBWASHO ANG NAKAKAALAM NITO.HARI SIYA NG OZI AT UNGWANA SA TANA DELTA,AT SHANGHA SA FAZA O ISLA NG PATE.

NAGTAGUMPAY SIYA SA PANANAKOP NG TRONO NG PATE NA UNANG NAPUNTA SA KANYANG PINSAN NA SI HARING AHMAD(HEMEDI)  NA KINILALANG KAUNA-UNAHANG NAMUNO SA ISLAM.

ANG PAGBABAGO AY NAGING MABILIS MULA SA MATRILINEAR NA PAMAMAHALA NG MGA KABABAIHAN TUNGO SA PATRILINEAR NA PAMAMAHALA NG KALALAKIHAN SA PAGSASALIN NG TRONO.NAIS NI HARING AHMAD NA MAWALA SI LIONGO KAYA IKADENA AT IKINULONG SIYA NITO.

NAKAISIP SI LIONGO NG ISANG PAGPUPURI .HABANG ANG PARIRALA(REFRAIN) NITO AY INAWIT NG MGA NASA LABAS NG BILANGGUAN,BIGLA SIYANG NAKAHULAGPOS SA TANIKALA NA HINDI NAKIKITA NG BANTAY.NANG MAKITA ITO NG MGA TAO,TUMIGIL SILA SA PAG-AAWIT.TUMAKAS SIYA AT NANIRAHAN SA WATWA KASAMA ANG MGA TAONG NANINIRAHAN SA KAGUBATAN.NAGSANAY SIYANG MABUTI SA PAGHAWAK NG BUSOG AT PALASO NA KINALAUNAN AY NANALO SIYA SA PALIGSAHAN NG PAGPANA.

ITO PALA'Y PAKANA NG HARI UPANG SIYA AY MADAKIP AT MULI NA NAMAN SIYANG NAKATAKAS.KAKAUNTI LANG ANG NAKAKAALAM TUNGKOL SA MATAGUMPAY NA PAGWAWAGI NI LIONGO SA DIGMAAN LABAN SA MGA GALA(WAGALA). KAYA NAIBIGAY NG HARI ANG KANIYANG ANAK NA DALAGA UPANG ANG BAYANING SI LIONGO AY MAPABILANG SA KANIYANG PAMILYA.

NANG LUMAON SI LIONGO AY NAGKAANAK NG ISANG LALAKI NA NAGTRAYDOR AT PUMATAY SA KANIYA.

  
-MULA SA http://www.a-gallery,de/docs/mythology.htm